Isalaysay mo sa akin Kasaysayan ni Jesus, Isalaysay mo sa akin Ang buhay Niyang puspos; Kung paanong nang sumilang Sya'y binati ng taos Ng mga anghel sa langit At nal'walhati ang Diyos.
REFRAIN
Isalaysay mo sa akin Kasaysayan ni Jesus, Isalaysay mo sa akin Ang buhay Niyang puspos.
Nang sa ilang nag-ayuno, Saysayin ang dinanas; Kung paanong S'ya'y tinukso, At nagwagi sa wakas. Saysayin ang tiniis N'yang Pagod, lungkot at hirap, Dinlamhati't hinamak, Itinakwil at sukat.
Ang krus na pinagpakuan Ay iyong isalaysay, Pati ang pinaglibanga't Ang Kanyang pagkabuhay; D'yan ay higit kong namalas Pag-ibig N'yang dalisay Na sa akin at sa iyo Ay tumubos na tunay.